SDOSC Updates
Balita

JUVENILE OFFENSE, GINIKANAN ANG KASUHAN– JIMENEA

Ni Jose Rizal · 24 minuto ang nakalipas · 1 min read

JUVENILE OFFENSE, GINIKANAN ANG KASUHAN– JIMENEA

Binigyang-diin ni Provincial Information Officer of South Cotabato Rudy S. Jimenea ang pananagutan ng mga magulang sa ilang kaso na kinasasangkutan ng mga kabataang nasa conflict with the law.

Ipinaliwanag ni Jimenea na hindi lamang ang kabataang nasasangkot sa isang paglabag ang dapat tingnan sa usapin ng juvenile justice kundi pati ang responsibilidad ng magulang sa paggabay at pangangalaga sa kanilang mga anak.

‘If hindi makasuhan ang bata, ginikanan ang kasuhan” ani Jimenea

Kaugnay nito, binibigyang-diin ng Juvenile Justice and Welfare Act ang proteksiyon, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga batang nasa conflict with the law, habang isinasaalang-alang ang kanilang edad at antas ng pananagutan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9344, na sinususugan ng Republic Act No. 10630, may mga partikular na proseso para sa mga batang nasasangkot sa paglabag sa batas, kabilang ang intervention at diversion para sa mga kwalipikadong kaso.

Kasabay ng proteksiyon sa mga bata, binibigyang-halaga rin ng batas ang papel ng pamilya sa rehabilitasyon at pakikipagsalamuha sa komunidad.

Dahil dito, nananatiling mahalaga ang paggabay at responsableng pag-aaruga ng mga magulang upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa paglabag sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *