SDOSC Updates
Opinyon

eduKEYsyon saan na?

Ni Antonio Luna · 2 oras ang nakalipas · 3 min read

eduKEYsyon saan na?

Halos mahimatay ako sa matirik na init tuwing tanghalian sa paaralan. Parang walang saysay ang mga pahiwatig nila sa masa na magiging kompleto na ang kagamitan at magiging komportable na ang mga kabataan. Tuluyang malulubog na lang ba talaga ang mga mag-aaral dahil sa isang rason na gipit sa silid-aralan.

Nakapaninindig balahibo ang sinabi kanina ni Rudy S. Jimenea isang Provoncial Information Officer ng South Cotobato Province na hindi mahina ang suporta mula sa National at Provincial Government pagdating sa edukasyon at kakulangan sa mga classroom dito sa ating probinsya. Pero ang tanong hihintayin niyo na lang ba na marami ang mawalan ng malay bago kumilos at tumulong? Ang masaklap pa walang proyekto lang man o badyet na inilunsad para maging alerto rin ang mga tao, maging bata, matanda, at mga guro. Kung kailan matatapos ang problemang kinakaharap ng buong bansa.

Isang rason lang ang ipinaliwanag nila at yun ang maraming classroom pero kulang din naman sa kuryente at kagamitan. Ngunit, mas wala ng mas mahalaga pa sa mga silid-aralan pagdating sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kasi sinong bata ang makakapag-pokus sa klase at may matututunan kung kayo ay nasa paligid-ligid lang nagtuturo.

Dagdag pa rito, kung dito satin ay malaki ng problema paano na lang kung sa buong Pilipinas kasi hindi natin mabilis maibago ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 148,000 sa buong bansa ang kulang sa silid-aralan kaya ibig sabihin lang nito ay ang posibleng epekto ay nasa mga batang nagiging lubog sa kaalaman.

Kasabay nito sabi ni Reynaldo Tamayo Jr. Governador ng South Cotabato ay pokusan ang edukasyon pero bakit may kakulangan pa rin sa silid-aralan, kahit experto maguguluhan sa mga pinagsasabi nyo. Sa tingin niyo ba ay makapag-aaral ng maayos ang bawat estudyante kung ang mga silid aralan na dapat ay komportable at ligtas ay tila ba naging lugar na mas malala pa sa kulungan ng hayop.

Gayunpaman, batay sa datos ng Department of Education (DepEd), ₱44.58 bilyon ang badyet na naka aloka para sa imprastraktura ng bawat paaralan. Sa ganito kalaking badyet marami na sanang naipaayos at naipagawang proyekto, pero sa nakikita ko parang mas dumadami lang ang tumpok tumpok na imprastakturang nanatiling nakaantala. Kung ganito kalaki ang badyet aba’y halatang malaki-laki rin ang maibubulsa kaysa maigagasta.

Dahil dito, nararapat lamang na pabilisin ng National at Provincial Government ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga silid-aralan at tiyaking maayos at transparent ang paggamit ng pondong inilaan para sa imprastraktura. Hindi sapat na may classroom lamang; dapat itong may sapat na bentilasyon, kuryente, kagamitan, at ligtas na kondisyon para sa mga mag-aaral at guro. Ang edukasyon ay hindi dapat ipinapangako lamang—dapat itong nararamdaman. Kung tunay na susi sa kinabukasan ang edukasyon, panahon nang ibigay sa kabataan ang maayos na pasilidad na nararapat sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *