SDOSC Updates
Isports

Eala, bigong sumulong sa dikdikan sa Flushing Meadows

Ni Antonio Luna · 2 oras ang nakalipas · 1 min read

Eala, bigong sumulong sa dikdikan sa Flushing Meadows

Eala, bigong sumulong sa dikdikan sa Flushing Meadows

Hanggang dulo ang hataw ni Filipina tennis star Alexandra Eala, ngunit kapos sa huling
palitan matapos siyang pataubin ni American Iva Jovic, 5-7, 6-3, 5-7, sa third round ng US
Open nitong Linggo sa Arthur Ashe Stadium, New York.

Matapos ang halos tatlong oras ng dikdikang bakbakan, nanaig si Jovic sa deciding set
upang selyuhan ang panalo at makausad sa fourth round.

Agad na kumawala si Jovic sa unang set bago bumawi si Eala sa ikalawa, hindi nagpadaig
ang Filipina sa huling yugto, ngunit sa mga kritikal na puntos ay nanaig ang American at
tuluyang kinuha ang panalo.

Sa kabila ng kabiguan, ipinakita ni Eala ang tibay at determinasyong kinakailangan upang
makipagsabayan sa pinakamalalaking entablado ng tennis.

Samantala, ito ang unang pagkakataon ni Jovic na umabot sa fourth round ng US Open.
Nananatiling 3-0 ang head-to-head record ni Jovic laban kay Eala matapos ang kanilang
ikatlong pagkikita.

Sa susunod na round, haharap si Jovic kay fourth seed Coco Gauff.
Bagama’t nagtapos na ang kampanya ni Eala sa Flushing Meadows, nag-iwan ang laban
ng mahalagang karanasan para sa Filipina sa Grand Slam stage.

Sa halip na manatili sa pagkadapa, muling haharap ang Filipina star sa panibagong hamon
sa Singapore Open at Asian Games ang susunod na target.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *